-- Advertisements --

Panahon na para sagutin ni dating Pangulo Rodrigo Duterte ang mga krimen na nagawa sa ilalim ng kaniyang administrasyon.

Ito ang binigyang-diin ni dating Senator Leila De Lima kasunod ng pag aresto kaninang umaga sa dating Pangulo na nahaharap sa kasong crime against humanity.

Sa isang statement sinabi ni De Lima na ang pag aresto sa dating Pangulo ay patunay na walang mas mataas sa batas.

Dagdag pa ng dating senador long-overdue na rin ito tungo sa pagkamit ng hustisya lalo at matagal na itong hinihintay ng mga pamilya na biktima ng extrajudicial killings sa ilalim ng madugong war on drugs.

Binigyang-diin ni De Lima na ang sandaling ito ay hindi patungkol sa retribution kundi patungkol ito sa hustisya.

Hindi rin dito nagtatapos ang laban, kundi dapat din managot ang mga nasa likod ng madugong kampanya ng iligal na droga.

Siniguro naman ni De Lima sa mga pamilya ng mga biktima ng EJK na ipagpapatuloy nila ang suporta sa mga ito hanggang sa makamit ang hustisya.