Iginiit ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na parte ng exclusive economic zone ng Pilipinas ang West Philippine Sea.
Aniya, bagamat contested area ito sa pagitan ng China at Pilipinas, nanindigan ang dating pangulo na atin ang WPS.
Saad pa ni Duterte na wala namang conflict sa China at malaya tayong makapangisda sa WPS. Wala din umanong isyu sa teritoryo.
Ginawa ng dating Pangulo ang pahayag sa kaniyang pagbisita sa Tacloban para bisitahin ang mga biktima ng Super Typhoon Yolanda at dumalo sa isang piyesta.
Ang naging pahaya din ng dating pangulo ay sa gitna ng nagpapatuloy na tensiyon sa pagitan ng PH at China sa WPS kung saan pinakahuli ay ang mas agresibong panghaharass ng mga CCG personnel sa mga tropa ng PH habang nagsasagawa ng reupply mission sa BRP Sierra Madre outpost sa Ayungin shoal na ikinasugat ng ilang Navy personnel.
Samantala, sa isang panayam din sa pangulo, nagpahiwatig itong alam niya ang kinaroroonan ng Kingdom of Jesus Christ leader na si Pastor Apollo Quiboloy na may existing arrest warrant dahil sa patung-patong na kasong kriminal laban sa kaniya.