Pinalutang ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang ideya ng paghiwalay at maging independent ang Mindanao mula sa Republika ng Pilipinas sa pamamagitan ng isang proseso base sa makakalap na mga lagda.
Sa isang news conference sa Davao city, sinabi ng dating Pangulo na si Davao Del Norte Rep. Pantaleon Alvarez ang unang nagsulong para sa paghihiwalay ng Mindanao mula sa gobyerno ng PH.
Ngunit nilinaw naman ni Duterte na hindi ito rebelyon o sedition laban sa pamahalaan.
Ayon pa kay dating Pang. Duterte mayroong proseso kung saan kailangan na kumalap ng mga lagda mula sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao na verified sa pamamagitan ng panunumpa sa harapan ng maraming tao para magpasya sa paghiwalay ng Mindanao.
Inihayag pa ng dating Pangulo na walang nangyayari sa Pilipinas kahit maraming pangulo na ang namuno.
Maalala na makailang ulit ng binatikos ni Duterte ang kaslaukuyang isinusulong na siganture campaign para sa people’s initiative para sa pag-amyenda sa 1987 Constitution dahil gagamitin lamang umano ang Cha-cha para mapalawig ang termino ng ilang nasa kapangyarihan.