Naniniwala si Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante na liable for crimes against humanity si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Abante na dapat managot ang dating Pangulo sa mga nangyaring patayan.
Maaring sampahan ang dating Pangulo ng paglabag sa Republic Act No. 9851 or the Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide, at iba pang Crimes Against Humanity.
Sa kaniyang pagharap ni Duterte sa Senate Blue Ribbon Committee kahapon inako nito ang legal na pananagutan sa mga ginawa ng mga pulis kaugnay sa kaniyang war on drugs kung saan tinatayang nasa 12,000 hanggang 30,000 Pilipino ang nasawi.
Sa ilalim ng Section 10 ng RA 9851 ay nakasaad ang prinsipyo ng command responsibility kung saan pinapanagot ang opsiyal sa mga nagawa ng kaniyang mga tauhan.
Sinabi ni Abante na pasok din ang mga naging pagpatay kaugnay ng drug war sa crime against humanity batay sa RA 9851.
Dagdag pa ni Abante na magagamit din ng international criminal court ang mga naging pahayag ni Duterte sa Senado kung saan nanumpa ito sa magsasabi ng totoo.