-- Advertisements --

Malinaw na “unapologetic at remorseless”si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang naging tugon ni dating Senador Leila de Lima sa sinabi ng dating pangulo sa isang press conference sa Tacloban city noong Linggo na dapat na lamang niyang hanapin ang kanyang kapayapaan sa halip na humingi ng pananagutan para sa kanyang “bogus” drug cases.

Sa isang post sa kanyang X account, sinabi ni De Lima na ang isyu ay hindi isang personal na away sa pagitan niya at ng dating pangulo kundi ang kanyang mga pagkakasala laban sa taumbayan.

Nangako si De Lima na kakasuhan ang mga opisyal ng administrasyong Duterte na sinisi niya sa kanyang 7-taong pagkakakulong.

Sinabi din ni De Lima na mananagot si Duterte sa kanyang mga krimen.

Tumanggi namang magkomento ang legal team ni De Lima sa mga posibleng kaso na kanilang tinitingnan laban kay Duterte.

Matatandaan na noong Hunyo 24, inabswelto ng Muntinlupa RTC si De Lima sa ikatlo at huling drug case niya na ayon sa dating Senadora ay gawa-gawa lamang dahil sa pagiging kritiko nito sa madugong drug war ng nakalipas na Duterte administration.

Top