-- Advertisements --

Tila nagha-hallucinate na si dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos nitong sabihin na pakawala ng Malakanyang si dating Sen. Antonio Trillanes.

Ito ang reaksiyon ni Executive Secretary Lucas Bersamin, kaugnay ng alegasyon ni Duterte na sponsored ng Palasyo si Trillanes.

Sa isang pahayag sinabi ng dating Pangulo na kaniyang ipinagtataka kung bakit siya pinupuntirya ng Palasyo gayong hindi na niya inaatake si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Gayunman, sinabi ni Bersamin na mahirap nang pumatol sa mga ganitong patutsada.

Kung maalala ipinalutang ni Trillanes ang umanoy pagbuhos ng drug money sa bank accounts ni Duterte.

Sa pagdinig ng House Quad Committee tumanggi si Duterte na pumirma ng bank waiver kaugnay sa nasabing alegasyon.