Nakahanda si dating Pangulo Rodrigo Duterte na humarap sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC).
Hinikayat din ng dating Pangulo ang international criminal court na bilisan ang imbestigasyon kaugnay sa reklamong crime aainst humanity laban sa kanya.
Aniya kung pwede bukas na magpunta dito sa bansa ang mga kinatawan ng ICC.
Sa pagdinig ng Quad Comm ngayong araw tahasan sinabi ni Duterte na hindi siya natatakot sa ICC.
Ayon kay Duterte, kailangan magmadali ang ICC dahil baka sya ay mamatay na hindi na siya maimbestigahan kaugnay sa umano’y extra judicial killings na naganap sa ilalim ng ipinatupad niyang war on drugs.
Siniguro ni Duterte na kung mapapatunayan ng ICC na guilty sya sa alegasyong crime against humanity ay handa syang mabulok sa loob ng kulangan.
Hindi rin siya natatakot na mapunta sa impiyerno.
Tinanong kasi ni Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas kung handa ito makipagtulungan sa ICC.