-- Advertisements --
Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na natanggap na ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang imbitasyon ng House Quad Committee para sa pagdinig hinggil sa mga isyu kaugnay sa kampanya nito kontra ilegal na droga noon.
Ayon kay PNP PIO Chief & Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, tinanggap umano ng isang representative ng dating pangulo kahapon, Oct. 20, ang imbitasyon sa bahay mismo ni Duterte.
Ito ay kasunod ng pakiusap umano ng komite sa PNP na siguruhing matatanggap ni Ex-PRRD ang imbitasyon sa hearing na gaganapin bukas oct. 22, 2024.
Una nang iniulat na sinabi ni Duterte na nakahanda siyang dumalo sa pagdinig ng Quad Comm ng Kamara basta’t matanggap niya lang ang imbitasyon.