Ibinunyag ni dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog sa House Quad Committee kung paano ginamit ng Duterte administration ang madugong ant-drug campaign na pumatay ng libulibong Filipino hindi lamang sa war on drugs kundi naging smokescreen para targetin at i-eliminate ang mga kalaban sa pulitika.
Si Mabilog ay kabilang sa narco-list ni dating Pangulong Duterte.
Inakusahan ni Mabilog ang dating administrasyon na ginagamit ang law enforcement agencies sa ilalim ni dating PNP chief at Senator Ronald Dela Rosa para isilbi ang pampulitikang paghihiganti.
Sa pagharap ni Mabilog sa Quad Comm mahigpit niyang itinatanggi na siya ay drug protector, at hanggang sa ngayon ay wala pang kaso na inihahain laban sa kaniya kaugnay sa illegal drugs.
Dagdag pa ni Mabilog, isinama ang mga pangalan ng kalaban sa pulitika sa isang validated list ng mga drug personalities kasunod ng PRRD List, itoy sa kabila ng mga kuwestiyunableng impormasyong at walang validation ng anomang ahensya ng gobyerno sa Malacañang initiated list.
Ipinunto din ni Mabilog na ang narco-list ni ex-PRRD ay sa kalaunan ay naging “hit list”.
Ibinunyag ng dating alkalde na paulit-ulit ang pagbabanta ni Presidente Duterte sa media at harap-harapang sinasabi na ipapa-patay siya ako.