Inihayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng nagtatago si Pastor Apollo Quiboloy sa properties ng Kingdom of Jesus Christ sa Barangay Tamayong sa Calinan District sa Davao city.
Sinabi din ng dating pangulo na malaki ang barangay Tamayong kung saan maraming mga kabahayan doon at maaaring isa sa mga bahay ay nandoon si Quiboloy.
Saad pa ni dating Pang. Duterte na nakikipag-communicate pa rin siya kay Pastor Quiboloy.
Sa isang press conference nitong Huwebes ng gabi una ng itinanggi ng dating Pangulo ang mga alegasyon na kaniyang itinatago ang pugante at umano’y rapist na si Pastor Quiboloy.
Kung saan hinamon ni Duterte ang sinuman na magbibigay siya ng pera kung mapapatunayang nasa kaniyang bahay nga si Quiboloy
Samantala, nitong Huwebes ibinasura ng Pasig City court ang apela ng kampo ni Quioloy para suspendihin ang proceedings sa kasong Qualified human trafficking laban sa kaniya.
Kasabay nito, inisyuhan ng korte ng warrant of arrest ang pastor para sa naturang offense nang walang kaukulang piyansa.