Tinawanan lang umano ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagnanais ng International Criminal Court na ipagpatuloy ang imbestigasyon nito sa war on drugs sa bansa sa ilalim ng kaniyang administrasyon.
Ito aniya ang naging reaksiyon ni PRRD sa naging paguusap nila ni Senator Ronald Bato Dela Rosa ilang araw na ang nakakalipas bago pa man inilabas kahapon ang desisyon ng ICC Appeals chamber na nagbasura sa apela ng gobyerno ng Pilipinas na itigil ang imbestigasyon ng ICC dahil wala itong hurisdiksiyon sa bansa.
Sinabi din ni Duterte na walang patutunguhan ang imbestigasyon ng international court kayat sinabihan niya si Senator Bato na hindi dapat nito istress ng labis ang kaniyang sarili.
Si Senator Bato ang unang Philippine National Police chief noon sa ilalim ng Duterte administration na isa sa nabanggit sa report ng ICC prosecutor sa drug war killings.