Nilinaw ng abogado ni Pastor Apollo Quiboloy na si Atty. Israelito Torreon sa exclusive interview ng Bombo Radyo, na walang naging papel si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsuko ng kanyang kliyente.
Ayon kay Torreon, biglaan ang mga naging development kahapon at wala doon sa kabuuan ng proseso ang dating presidente.
Pero inamin nito na may mga opisyal na naging daan para sa mapayapang pagsuko ng KOJC leader.
Gayunman, mga sundalo at lokal na opisyal umano ang mga ito, na kaniya rin namang pinasalamatan.
Samantala, hindi umano maunawaan ng kampo ni Quiboloy ang sinasabing ultimatum ng PNP para sa pastor.
Wala naman aniyang direktang binanggit na ganung pahayag ang sinumang opisyal ng pulisya na nakipag-usap sa kanila.
Pero dati ay may nagpahatid raw ng impormasyon na magdadala na ng armas ang mga otoridad sa muling pagsugod sa mga gusali ng KOJC.