Tuluyan nang naaresto ng mga otoridad si dating Procurement Service of the Department of Budget Management (PS-DBM) OIC Lloyd Christopher Lao.
Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief P/MGen. Leo Francisco, nadakip si Lao sa Davao City.
Nabatid na sa Davao umano nagtago ang dating opisyal makaraang maglabas ng warrant of arrest ang Senado.
Magugunitang ilang ulit sinubukan ng Senate Sergeant-at-Arms na isilbi kay Lao ang arrest order ngunit wala ito sa mga bahay na nakatala bilang kaniyang home address.
Nahaharap ito sa paglabag sa R.A. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Naging kontrobersyal si Lao dahil sa pagkakadawit nito sa usapin ng napakamahal na pagbili ng COVID-19 kits noong kasagsagan ng pandemya para sa mga health workers.
Para naman sa nag-imbestiga sa kaso multi billion deal sa Pharmally na si dating Sen. Richard Gordon, nagagalak siya sa nasabing development.
Ngunit hangad niyang mahuli na ang lahat ng dawit sa naturang iskandalo.
“I am glad that Mr. Lloyd Christopher Lao, one of the architects of the plunder-plagued Pharmally scandal, has finally been arrested and will face jus ce soon before the Sandiganbayan. I suppose other perpetrators will soon be arrested as well,” wika ni Gordon.