-- Advertisements --

Tuluyan nang naaresto ng mga otoridad si dating Procurement Service of the Department of Budget Management (PS-DBM) OIC Lloyd Christopher Lao.

Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief P/MGen. Leo Francisco, nadakip si Lao sa Davao City.

Nabatid na sa Davao umano nagtago ang dating opisyal makaraang maglabas ng warrant of arrest ang Senado.

Magugunitang ilang ulit sinubukan ng  Senate Sergeant-at-Arms na isilbi kay Lao ang arrest order ngunit wala ito sa mga bahay na nakatala bilang kaniyang home address.

Nahaharap ito sa paglabag sa R.A. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Naging kontrobersyal si Lao dahil sa pagkakadawit nito sa usapin ng napakamahal na pagbili ng COVID-19 kits noong kasagsagan ng pandemya para sa mga health workers.