Arestado ng mga tauhan ng PNP – Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) ang isang dating Pulis na dalawang taon nang tinutugis ng mga dating kabaro nito.
Kinilala ni IMEG Director P/Col. Thomas Frias Jr ang suspek na si Ruben Baliong, isang dating PO3 na naaresto habang nagtatago sa Abu Dhabi sa United Arab Emirates (UAE).
Nahaharap si Baliong sa kasong Murder at Physical Injuries sa bisa ng Warrant of Arrest na mula sa mga Korte ng Caloocan at Parañaque.
Sinabi ni Frias, January 4,2019 ng makatanggap ng impormasyon na tumakas si Baliong patungong Abu Dhabi kung saan, duon din siya naaresto ng PNP sa pakikipag-ugnayan nito sa Philippine Center on Transnational Crime at Interpol National Central Bureau.
Nabatid na dating nakadestino sa Mandaluyong City Police Station 3 at nasangkot din sa iligal na droga at gun for hire activities.
Iniharap ng IMEG sa Kampo Crame si Baliong matapos itong maiuwi sa Pilipinas sakay ng Etihad Airlines na lumapag sa NAIA Terminal 3 kaninang alas-2 ng hapon.
Kasalukuyang nakakulong sa IMEG detention facility ang suspek na dating pulis.