-- Advertisements --
Itinalaga bilang bagong chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) si dating Quezon City councilor Diorella Maria “Lala” Sotto- Antonio.
Ang dating konsehal ay anak ni dating senador Vicente “Tito” Sotto III at beteranang actress Helen Gamboa.
Papalitan nito si Jeremiah Jaro na namuno sa board mula pa noong Oktubre 2021.
Pinasalamatan nito si Pangulong Ferdinand Marcos Jr dahil sa tiwala at pagpili sa kaniya.