Sumakabilang buhay na ang dating presidente ng Real Madrid na si Lorenzo Sanz matapos maospital dahil nadapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Kinumpirma ito ng kanyang anak na si Lorenzo Sanz Duran sa pamamagitan ng isang Twitter post.
“He did not deserve this end in this manner. One of the best, most courageous and hard working people I have seen in my life. His family and Real Madrid were his passion,” saad nito.
Umupong presidente si Sanz ng koponan mula 1995 hanggang 2000, kung kailan dalawang beses na nasungkit ng Real ang kampeonato sa Champions League.
Sa panahon din ni Sanz kinuha ang serbisyo ng dekalibreng mga players na sina Roberto Carlos, Clarence Seedorf at Davor Suker.
Tumakbo uli ito bilang presidente ng team noong 2000, ngunit nagapi ito ni Florentino Perez. (BBC)