Pansamantalang pinalabas si dating Negros Oriental 3rd District Cong. Arnulfo Teves Jr mula sa Becora Prison sa Dili, Timor Leste.
Si Teves ay nanatili sa naturang kulungan para sa kanyang preventive detention o precautionary detention, kasunod ng pagkakahuli sa kanya noong Marso sa Dili.
Una siyang inisyuhan ng “red notice” ng International Police dahil sa umanoy kaugnayan niya sa pagpatay kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo at siyam na iba pa.
Ayon kay Atty Ferdinand Topacio, legal counsel ni Teves, ang dating mambabatas ay pinalaya bago ang kanyang extradition dahil umano sa ang request ng pamahalaan para sa extradition ni Teves ay ay hindi tumutugma sa usual practice at costumary international law.
Ayon pa kay Topacio, ang kanyang pagkakakulong ay naideklarang iligal.
Sinabi pa ni Topacio na mayroon pang ilang mga judicial proceeding na kailangang pagdaanan ni Teves para sa kanyang tuloy-tuloy na pananatili sa Timor Leste at magsisimula na ito bukas. Tiyak aniya ang pagdalo dito ni Teves, kasama ang ilang mga testigo, na kinabibilangan ni dating Human Rights Commissioner Wilhelm Soriano na iprepresenta bilang human rights expert.