Kinumpirma ng Department of Justice na isinailalim ng Court of Appeals sa Dili, Timor-Leste si dating Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo Teves Jr. habang nananatili ang posibilidad na tumakas ito.
Ang desisyon ng korte sa timor leste na isailalim sa house arrest ang dating mambabatas ay dahil na rin sa patong-patong na kaso nitong kinakaharap dito sa Pilipinas.
Inilagay nga ng Court of Appeals ng Timor Leste ang flight risk classification kay Teves dahil mayroon itong kapasidad na tumakas dahil sa lawak ng impluwensya nito.
Si Teves ang itinuturong utak sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at siyam na iba pa noong Marso ng nakalipas na taon.
Nahaharap ito sa patong-patong na kasong pagpatay sa Pilipinas dahil sa pagkamatay ni Degamo bukod pa rito ang kaso ng mga pagpatay noong taong 2019.
Classified na rin bilang terorista si Teves ng the Anti-Terrorism Council at kanselado na ang kanyang pasaporte.
Mananantili naman sa ilalim ng house arrest si Teves habang isinasapinal ang extradition request ng gobyerno ng Pilipinas.