Sumabak na rin ang dating kongresista na si Walden Bello bilang vice-presidential candidate para maging ka-tandem ng labor leader at presidential aspirant na si Leody de Guzman.
Inanunsiyo ng Laban ng Masa, kung saan chairman si Bello, na ito ang papalit para sa substitution sa Partido Lakas ng Masa vice-presidential candidate na si Raquel Castillo.
Una nang inamin ni Bello na bago ito ay isinulong din nila ang dayalog sa kampo ni Vice President Leni robredo pero hindi ito natuloy.
Kung maaalala una na ring tumakbo si Bello sa pagkasenador noong taong 2016 pero pumwesto lamang ito sa pang-36.
Naging two-term representative siya noong bahagi pa ng Akbayan at nag-resign sa House of Representatives noong 2015 dahil sa protesta laban Aquino administrasyon noon.