-- Advertisements --
Personal na tinawagan ni dating US President George W. Bush sina Joe Biden at Kamala Harris para batiin ang mga ito sa kanilang pagkapanalo.
Sinabi nito na gaya ng kaniyang isinambit noon kina Democrat US President Donald Trump at President Barack Obama, ipinagdarasal din nito ang kanilang tagumpay.
Binati rin nito si Trump dahil sa naging mahigpit na kampanyang ipinamalas nila sa kasagsagan ng halalan.
Magugunitang maraming mga world leaders ang nagpaabot na ng kanilang pagbati sa pagkapanalo nina Biden at Harris pero hindi pa rin nagko-concede si Trump.