-- Advertisements --

Pumanaw na ang dating Republican presidential candidate na si Herman Cain matapos dapuan ng coronavirus.

Ayon sa kampo ng 74-anyos na dating CEO ng Godfather’s Pizza, dinala ito sa pagamutan nitong buwan matapos na lagyan ng oxygen sa kaniyang baga.

Bilang co-chair ng Black Voices for Trump, ay kasama ito sa campaign rally ni President Donald Trump noong June 20 rally sa Tulsa, Oklahoma.

Sinasabing nahawaan ito ng coronavirus matapos na magpositibo sa coronavirus ang walong advance team staffer ni Trump.

Ibinunyag din ng US Centers for Disease Control and Prevention na malaki ang posibilidad na mahawaan ng coronavirus si Cain dahil bukod sa kaniyang edad ay mayroon na rin itong history ng cancer.

Magugunitang noong 2011 ng ianunsiyo ni Cain ang kaniyang interest sa pagkapangulo ng US.

Isinusulong nito ang 9-9-9 tax reform plan kung saan papalitan ang lahat ng kasalukuyang buwis ng 9% income tax, 9% corporate tax at 9% national sales tax.