-- Advertisements --

Pumanaw na si dating Houston Rockets guard Robert Reid sa edad 68.

Ayon sa kampo nito na hindi na nito nakayanan ang sakit niyang cancer.

Si Reid ay naglaro sa NBA sa loob ng 13 taon.

Kasama si Reid sa pagpasok ng Rockets sa unang dalawang NBA Finals mula 1980 hanggang 81 at 1985-86.

Ang 6’8: guard/forward ay second-round draft pick noong 1977 na may average na 11.4 points, 4.5 rebounds, 2.7 assists at 1.1 blocks kada laro.

Naglaro din ito sa Charlotte Hornets, Portland Trail Blazers at Philadelphia 76ers.

Nakapagtala ito ng kabuuang 10,448 points sa 919 na laro nito sa NBA.