-- Advertisements --

Hinimok ng kampo ni dating Gov. Eleandro Madrona ang Sandiganbayan na i-indirect contempt ang private complainant ng kinakaharap niyang fertilizer fund scam case.

Sa kanyang inihaing petisyon noong Abril 15, nanawagan si Madrona sa Sixth Division ng anti-graft court na atasan ang respondent na si Lyndon Molino na kaagad ihinto ang pagtalakay sa isang Facebook group patungkol sa kanyang pending graft case.

Ayon kay Madrona, dapat na pagmultahin si Molino ng hindi bababa sa P30,000 at ipakulong ng hanggang anim na buwan kung mapatunayan mang guilty.

Sinabi ni Madrona na nag-post daw si molino sa Facebook Group na “Romblon Community” noong Pebrero 2019 patungkol sa kanyang impending testimony.

Tila nagpapahiwatig daw si Molino ng kanyang conviction kahit pa ongoing pa naman ang proceedings sa nasabing kaso.

Si Madrona ay nahaharap sa isang bilang ng kasong graft dahil sa pag-award nito ng PP4.8-million contract sa Feshan Philippines para sa pagbili ng 3,333 bottles ng Bio Nature fertilizer.