THE HAGUE, Netherlands – Pinaaaresto ng International Criminal Court (ICC) sina dating Russian Defense Minister na si Sergei Shoigu at ang Chief of the General Staff na si Valery Gerasimov.
Bunod ito ng alegasyon ng international crimes, war crimes, at crimes against humanity.
Ayon sa ICC, ang dalawang ito ay responsable umano sa dalawang war crimes, kabilang na ang pagtutok ng mga atake sa mga sibilyan at ang pagdulot ng labis na pinsala sa mga sibilyan.
Sila rin ay inaakusahan ng crime against humanity.
Ayon sa ICC, ang mga inihaing kaso ay may kaugnayan sa strike laban sa maraming electric power plants at sub-stations na isinagawa ng Russia sa buong Ukraine mula Oktubre 2022 hanggang sa hindi bababa sa Marso 2023.
Ang dalawang warrant sa mataas na opisyal ng Russia ay karagdagan lamang dahil nauna nang inilabas ng ICC ang mga warrant of arrest para kay President Vladimir Putin at Russian official na si Maria Lvova-Belova dahil sa alegasyong plano na i-deport ang mga batang Ukrainian.