-- Advertisements --
TACLOBAN CITY – Hinatulan ng guilty verdict ng Sandiganbayan 1st division ang dating alkalde ng Hinabangan, Samar dahil sa kasong graft.
Nahaharap sa five counts na graft case si Hinabang Mayor Alejandro Abarratigue matapos nitong i-reassign ang limang empleyado sa isang malayong barangay at hindi nagtagal ay sinibak nito sa pwesto noong taong 2009 hanggang 2010.
Batay sa Abril 26, 2019 desisyon ng korte, nahaharap si Abarratigue sa anim hanggang 10 taong pagkakakulong at habangbuhay.
Hindi na ito pinapayagan sa paghawak pa sa pampublikong tanggapan.
Inatasan din ng korte ang dating alkalde na bayaran ang limang dating empleyado ng aabot sa P556,196 na may 6% na interest bawat taon hanggang sa maisapinal na ang desisyon.