-- Advertisements --
Pumanaw na si dating Supreme Court Associate Justice Jose Portugal Perez sa edad 74.
Kinumpirma ito ng Supreme Court ng bansa subalit hindi na binanggit pa ang dahilan ng kamatayan nito.
Nagsimula si Perez bilang court insider at Technical Assistant noong 1971.
Ang University of the Philippines graduate ay na-promote bilang court administrator noong 2008.
Itinalaga siya bilang Associatio Justice noong Disyembre 26, 2009 ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Sa edad 70 ay nagretiro ito noong Disyembre 14, 2016.
Naging miyembro din si Perez ng Philippine delegation ng Universal Periodic Review sa United Nations Human Rights Council sa Geneva, Switzerland.