Kinalampag ni retired Supreme Court Justice Antonio Carpio si Pangulong Rodrigo Duterte na sabihan ang China na huwag manghimasok sa teritoryo ng Pilipinas sa West Philipine Sea.
Ginawa ito ni Carpio bago ang nakatakdang pulong nina Duterte at Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, kasunod nang incurssion ng China sa WPS kung saan nasa 220 Chinese militia vessels ang namataan sa Julian Felipe Reef.
Ayon kay Carpio, dapat sabihan ni Duterte si Ambassador Huang na kung totoong kaibigan ng Pilipinas ang China ay hindi dapat inuokupa nito ang teritoryo ng nauna.
Nauna nang naghain ng diplomatic protest ang pamahalaan ng Pilipinas laban sa presensya ng Chinese vessels sa pinagtatalunang bahagi ng karagatan.
Ayon sa China, hindi naman militia boats kundi fishing vessels ang sumilong sa area dahil sa masamang lagay ng panahon.
Magugunita na kasunod nang insidente, sinabi ng Malacanang na balak ni Duterte na kausapin ang Chinese ambassador hinggil sa naturang issue.