-- Advertisements --

CEBU CITY – Patay ang isang former seaman matapos pinaulanan ng bala sa labas ng kanyang bahay sa Purok 1 Bato, lungsod ng Toledo, Cebu.

Kinilala ang biktima na si Ronnie Sy Obenza, 58, at residente sa naturang lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon, lulan ng kanyang bisikleta ang biktima habang pauwi galing sa Proper Bato.

Hindi na nito magawang makapasok pa ng bahay dahil biglang dumating ang isang motorsiklo sakay ang isang lalaki at pinagbabaril ang biktima ng maraming beses.

Dead on the spot si Obenza na nagtamo ng maraming tama sa katawan.

Agad namang tumakas ang hindi pa nakilalang gunman.

Habang patuloy namang ang imbestigasyon ngayon ng Toledo PNP sa motibo sa pagpaslang.

Nagsasagawa rin sila ngayon ng backgpround check sa nasabing biktima.