-- Advertisements --

Naglunsad ng political group si dating US Secretary of State Mike Pompeo.

Layon aniya nito ay para suportahan ang mga conservative candidates sa midterm-elections sa 2024.

Tinawag nito ang grupo bilang Champion American Values PAC (CAVPAC) na magpoprotekta sa American values at matulungan ang Republicans na mabawi ang majorities.

Nagsimula na ring umikot si Pompeo sa iba’t ibang estado kung saan sinasabing balak din daw nitong tumakbo sa pagkapangulo.

Ilan sa maaaring makaharap nito sa halalan ay sina dating Pangulong Donald Trump, dating Vice President Mike Pence at maging si dating US ambassador to the United Nations Nikki Haley.