-- Advertisements --

Isasantabi ni dating Senator Bam Aquino ang pagkandidato muli sa 2022 elections para pangunahan ang kampanya sa pagkapangulo ni Vice President Leni Robredo.

Sa kaniyang social media account, sinabi ng dating senador na tatayo siyang campaign manager ni Robredo.

Isa umanong malaking hamon kasi ang kakaharapin ni Robredo kaya kailangan niya itong tulungan.

Tiniyak nito na ibubuhos niya ang kaniyang lakas para sa pagkampanya kay Robredo.

Kung maalala si Aquino ay naging instrumento rin noon sa vice-presidential campaign team ni Robredo.