Hinikayat ni dating Senator Leila de lima si Vice Presidnet Sara Duterte na magbitiw bilang education secretary matapos na tutulan ang hakbang ng pamahalaan na pagbibigay ng pardon sa mga rebelde at pagbuhay ng peace talks sa komunistang grupo.
Sinabi din ng dating Senadora na ang peace talks ay hindi pasok sa kapasidad ng portfolio ni VP Sara bilang DepEd Sec.
Binigyang diin din ni de lima na bilang Education Sec. parte ng gabinete ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. si VP Sara at maaari lamang niyang batikusin ang mga polisiya ni PBBM kapag siya ay nagsasalita bilang VP.
Ginawa ni de lima ang pahayag kasunod ng inilabas na videostatement ni VP Sara na tumututol sa bagong peace efforts ng pamahalaan.
Umapela din ito sa Pangulo na muling pagaralan ang kaniyang mga polisiya at tinawag na isang ‘agreement with a devil’ ang joint communique ng pamahalaan sa NDFP sa Oslo, Norway.