-- Advertisements --

Hinimok ni dating Senator Leila de Lima ang mga awtoridad na maglunsad ng seryoso at agarang imbestigasyon kaugnay sa alegasyon ng retiradong pulis at self-confessed hired gun na si Arturo Lascañas na tinawag na lord of all drug lords sa katimugang bahagi ng PH si dating Pagulong Rodrigo Duterte.

Base sa alegasyon ni Lascañas na tumestigo sa Senado at nagsumite ng affidavits sa International Criminal Court sa reklamo para sa umano’y crimes against humanity laban kay PRRD, sinabi nito na nagmamay-ari umano o mayroong access sa isang laboratoryo ng shabu o crystal meth ang dating Pangulo.

Isa aniya sa mga shabu laboratory ay nasa Barangay Dumoy sa Davao city na ikinukubli bilang isang canned fish factory.

Nakita din umano ni Lascañas ang dating economic adviser ni Duterte na si Michael Yang na isang Chinese businessman sa labas ng naturang factory. Aniya, 3 beses silang nag-deliever ng shabu sa Toril Fishport.

Samantala, sinabi din ng dating Senadroa na naglunsad ng war on drugs si Duterte subalit ipinag-utos ang pagpatay sa libu-libong indibidwal at nangahas pang mangakong reresolbahin ang problema sa iligal na droga sa bansa sa loob ng 3 hanggang 6 na buwan subalit lumalabas na isa ito sa sangkot at nagpapalakad ng drug syndicates.

Kung kayat iginiit ng dating Senadora na kailangan ng agarang imbestigasyon ang pasabog na rebelasyong ito mula sa dating pulis sa Davao at self-confessed Davao Death Squad hit man na si Arturo Lascañas.

Sa dami aniya ng pinatay at panlilinlang ni Duterte, hindi ito maitatago sa halip ay lalabas din ang katotohanan balang araw.

Matatandaan na si De Lima ang nag-imbestiga sa umano’y drug killings na tinawag na Davao death Squad noong alkalde pa si dating Pang. Duterte sa Davao city at hayagang kritiko sa war on drugs ng dating Pangulo.