-- Advertisements --
Nanawagan si dating Senator Leila de Lima sa publiko na mag-alay ng dasal para matapos na ang sigalot na kumitil sa maraming buhat at para sa hustisya sa mga biktima ng karahasan at pang-aabuso ngayong Pasko.
Binigyang diin din ni De Lima na ang kapanganakan ni Hesus ay nagsisilbi bilang paalala ng diwa ng pagpapakumbaba, malasakit, pagbibigayan, pagmamahalan at pagbubuklod ng pamilya.
Inihayag din ng dating Senador na dapat alalahanin at isabuhay ang mga aral ni Hesukristo kahit hindi Pasko.
Ginawa ng dating Senadora ang panawagang ito sa kaniyang unang mensahe ngayong Pasko simula ng pansamantalang makalaya ito noong Nobiyembre 13 ng taong kasalukuyan mula sa halos 7 taong pagkakakulong mula Pebrero 24, 2017.