-- Advertisements --

Kinuwestiyon ni dating Senator Leila de Lima ang naging pahayag ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte kaugnay sa posibleng pakikipagtulungan ng Marcos administration sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ng dating Senadora na kung sa kapasidad ni Duterte bilang DepEd Secretary ay wala aniya itong kinalaman para magsumite ng kaniyang legal opinion sa Department of Justice kaugnay sa ICC.

Kung magsusumite naman si VP Duterte ng kanyang legal na opinyon sa kanyang kapasidad bilang Bise Presidente, tumataliwas naman ito sa kaniyang payo na dapat nating igalang ang posisyon ng Pangulo dahil aniya sa pagpigil sa finality ng nasabing posisyon ng pamahalaan kahit na wala itong awtoridad upang gawin ito.

Ayon pa kay De lima sa pamamagitan ng pagsusumite ni Duterte ng kaniyang legal opinion, nilalagay aniya ng opisyal ang DOJ sa awkward position.

Sinabi din ni De Lima na si VP Sara ay isa sa posibleng subject ng pagsisiyasat ng ICC, kung hindi pa kabilang sa mga iniimbestigahan ng international court dahil kailangan niyang sagutin ang paglaganap ng extrajudicial killing o death squad sa Davao city kung saan Alkalde pa noon si VP Sara mula 2010 kung saan saklaw pa noon ng hurisdiksyon ng ICC ang Pilipinas

Top