-- Advertisements --
image 127

Ngayong pansamantalang nakalaya na si dating Justice chief at dating Senator Leila De Lima, pinag-iisipan nito na bumalik sa law practice at sa karera niya sa pagtuturo sa law school gayundin ang pagpapatuloy ng kaniyang mga adbokasiya para sa hustisiya at karapatang pantao.

Sa ngayon, hinahabol ng dating Senadora ang lahat ng na-miss niya matapos makulong ng halos pitong taon.

Una ng pinayagan sin de Lima na maglagak ng ₱300,000 na piyansa para sa kanyang natitirang kaso kaugnay sa iligal na droga na nagbigay sa kanya ng pansamantalang kalayaan pagkatapos ng 6 na taon at 9 na buwang pagkakakulong dahil nakinabang umano ito sa kalakalan ng iligal na droga sa New Bilibid Prison habang pinamumunuan niya ang Department of Justice noon at ginamit ang pera mula sa iligal na droga upang tustusan ang kanyang kampanya sa pagkasenador noong 2016.

Subalit itinanggi ito ng dating senadora at sinabing ang mga kaso ay ginawa ng administrasyong Duterte upang patahimikin siya dahil siya ay isang mahigpit na kritiko ng war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, naghahanda na ang legal team ni De Lima para kwestyunin ang ebidensiya ng prosekusyon at inaasahang ilalabas ng korte ang desisyon sa Disyembre.

Kapag naresolba na, sinabi ng legal counsel ni De Liam na si Atty. Filibon Tacardon na hihilingin nila ang pagsasampa ng demurrer to evidence o mosyon para i-dismiss ang isang kasong kriminal. Ito ay ibabatay sa claim ng kanilang kampo na nabigo ang prosekusyon na patunayan ang pagkakasala ng akusado ng beyond reasonable doubt.

Sinabi ni Tacardon na posibleng magkaroon ng pinal na desisyon sa ikatlong kaso ng iligal na droga ni De Lima kung hindi ngayong 2023 ay sa susunod na mga buwan.