-- Advertisements --

Pormal ng inanunsiyo ni dating senador Jose “Jinggoy” Estrada ang muli niyang pagtakbo sa 2022 elections.

Tatakbo ito sa ilalim ng Pwersa ng Masang Pilipino ang partido ng ama nitong si dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada.

Handa rin aniya itong ampunin ng ibang partido.

Dagdag pa ni Estrada bukas din siya na mapabilang sa line up ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso.