Pinasinungalingan ni dating Senator Panfilo Lacson ang kumakalat sa social media at online chat groups na quote card kung saan hinihiling umano niyang ilabas ang pagkakakilanlan ng mga indibidwal na sangkot sa paggastos ng intelligence funds.
Sa isang statement, sinabi ng dating Senador na peke ito at halatang minanipula.
Sa kumalat na quote card, ginamit ang larawan ng dating mambabatas at may nakalagay na quote na ang disbursement ng confidential funds ay gumagamit umano ng codes at alias dahil sa confidentiality nature ng pagkagastusan gayundin aniya sa intelligence funds kung saan ang mga detalye ng expenses ay may restriksiyon.
Nakasaad din dito na nais ni Lacson na manatiling misteryo ang tunay na pagkakakilanlan nina Mary Jane Piattos at Kokoy Villamin at sinabing huwag ipakita ang
kamangmangan sa pamamagitan ng pagpapakita ng tunay na pagkakakilanlan ng nasabing mga indibidwal dahil hindi na ito confidential kung magkataon.
Subalit, nilinaw ni lacson na bilang dating law enforcer, ang lahat ng public funds kabilang ang intel funds ay accountable at subject para sa audit.
Ipinunto nito na ang mga public official na nais gumamit ng CIF ay dapat na magsumite ng proposal na nagdedetalye kung paani nila gagamitin ang pera.
Sinabi naman ni Lacson na myroong access ang mga miyembro ng HOR sa classified information kabilang ang tunay na pagkakakilanlan ng mga indibidwal na nasa likod ng codes o alias.
Maliban dito, inihayag din ni Lacson na ang Kongreso ay may oversight function para siguruhing ang ipapasang GAB ay magastos nang maayos.
Dapat din aniyang ipagpatukoy ang pagusisa sa CIF Kahit pa ang halagang kinukwestyon ay P10 lang dahil pera pa rin ito ng taumbayan.
Samantala, hinimok naman ng dating Senador ang publiko na mag-ingat at iberipika muna ang impormasyon bago ito i-share para maiwasan ang maling impormasyon.