Tinuldukan na ni Liberal Party spokesperson at dating Senator Leila de Lima ang posibilidad na tatakbo ito sa 2025 midterm elections.
Ayon sa dating Senadora, wala siyang planong tumakbo sa anumang posisyon sa halalan sa susunod na taon dahil nananatili umano siyang committed sa ibang mga prayoridad niya kabilang na ang pagtulong sa kaniyang partido, mga adbokasiya at ilang isyu may kaugnayan sa kaniyang personal na buhay.
Ginawa ni De Lima ang pahayag sa gitna na rin ng sinasabi ng ilan na maaari pang magbago ang isip niya dahil 3 buwan pa bago ang official period para sa paghahain ng certificates of candidacy.
Samantala, una ng sinabi ng dating Senadora na plano ng kaniyang kampo na maghain ng counter-charges laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at kay dating justice secretary Vitaliano Aguirre dahil sa gawa-gawa at politically motivated na mga kaso laban sa kaniya may kaugnayan sa iligal na droga.