Kasalukuyang naka-isolate at nagpapagaling habang nasa PNP custodial center si dating senador Leila De Lima matapos na ito ay magposiitibo sa COVID-19.
Nitong Sabado lamang ng makaranas umano ito ng sintomas ng COVID-19 gaya ng sipon, makating lalamunan, pananakit ng katawan at trangkaso.
Lumabas lamang ang sintomas isang araw matapos ang pagdalo nito sa pagdinig sa kaso niya.
Mula noon ay alam niya na hindi siya malayong madapuan ng virus dahil sa palaging siksikan ng mga tao sa mga korte na kaniyang dinadaluhan.
Inabisuhan na rin nito ang mga nakasalamuha noong Nobyembre 4 na obserbahan ang sarili na kinabibilangan ng kaniyang mga abogado, prosecutors, police escorts at ang saksi na si dating saksing si dating Bureau of Corrections (BuCor) officer-in-charge Rafael Ragos.
Nagpasalamat din ang dating senador na nagpaabot ng pagdarasal para sa agaran nitong paggaling.
Magugunitang makailang nabigyan ang dating senador ng medical forlough dahil sa mga kinaharap na mga sakit.