-- Advertisements --

Umaasa si dating Senator Leila de Lima na gumaling na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ng sa gayon mayruon na itong lakas na sagutin ang lahat ng mga akusasyon laban sa kaniya lalo na sa isyu ng extra judicial killings na may kaugnayan sa war on drugs.

Sa isang panayam kay De Lima kaniyang sinabi na sana maging maayos na ang kalusugan ng dating pangulo ng sa gayon masagot nito ang mga isyu.

Hindi makakadalo ngayong araw sa pagdinig ng Quad Comm si ex-PRRD dahil hindi maganda ang pakiramdam nito at kailangan magpahinga.

Ito ay batay sa short notice na ipinadala ng abugado ng dating Pangulo sa Komite.

Inaabangan din ang maging testimonya ni De Lima sa Komite lalo at siya ay isa sa naging biktima sa war on drugs ng Duterte administration.