-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Nakapaghain na ng certificate of candidacy(COC) ang anak ni dating Senator Manny Pacquiao na si Michael Pacquiao.

Nitong umaga lang ay nagpakita ng kanilang todo suporta si Ex-Sen. Pacquiao at maybahay nitong si Jinkee nang sinamahan ang anak sa Comelec Gensan Office sa paghahain ng kandidatura bilang konsehal ng lungsod.

Si Michael ang pinakabatang kandidato sa kanilang partido, ang Peoples Champ Movement(PCM).

Sa panayam kay Michael, sinabi nitong ang ama ang kanyang inspirasyon na pumasok sa pulitika.

Aniya, ito’y dahil nakikita nito ang ama na tumutulong at ibinibigay ang serbisyo sa publiko.

Bago ang paghahain ng COC, nagpa-misa ang buong partido sa Our Lady of Peace and Good Voyage Parish na sinamahan naman ng kanilang mga supporters.