-- Advertisements --
Kinumpirma ni boxing champ at dating Senator Manny Pacquiao na tatakbo siyang muli sa pagka-Senador sa 2025 midterm elections.
Sa isang panayam, sinabi ni Pacquiao na tatakbo ito sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas.
Ang naturang partido ay ang political party ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Matatandaan na pumangatlo si Pacquiao nang tumakbo ito sa pagka-Pangulo sa halalan noong 2022.
Una na ngang sumabak sa mundo ng politika si Pacquiao mahigit isang dekada na ang nakakalipas na nagsilbi bilang kongresista sa kaniyang home province sa Sarangani simula noong 2010.
Muli itong naihalal sa parehong posisyon bago naging Senador noong 2016.