Itinanghal na bilang pinakamayamang tao sa buong Pilipinas ang negosyente at dating Sen. Manny Villar, batay sa pinakabagong rich list ng Forbes magazine.
Base sa 2019 World’s Billionaires list ng Forbes, mayroon nang kabuuang net worth na $5.5-bilyon (P288-bilyon) si Villar, na ika-317 rin sa buong mundo.
Ito ay bahagyang mas mataas kumpara sa $5-bilyon nitong yaman noong nakalipas na taon.
Pumangalawa naman sa listahan ang industrialist na si John Gokongwei Jr. na may net worth na $5.1-bilyon.
Inokupahan naman ng ports at casino tycoon na si Enrique Razon Jr. ang ikatlong puwesto sa kanyang $4.8-bilyon.
Narito ang iba pang mga pinakamayayamang Pilipino sa Forbes’ list:
– Lucio Tan ($4.4 billion)
– Tony Tan Caktiong & family ($3.9 billion)
– Ramon Ang ($2.9 billion)
– Andrew Tan ($2.7 billion)
– Hans Sy ($2.4 billion)
– Herbert Sy ($2.4 billion)
– Harley Sy ($2.2 billion)
– Henry Sy Jr. ($2.2 billion)
– Teresita Sy-Coson ($2.2 billion)
– Elizabeth Sy ($1.9 billion)
– Eduardo Cojuangco ($1.4 billion)
– Roberto Coyiuto Jr. ($1.4 billion)
– Ricardo Po Sr. & family ($1.2 billion)
– Roberto Ongpin ($1.1 billion)