-- Advertisements --
Mar Roxas
Mar Roxas/ FB image

ILOILO CITY- Sinagot ni dating Senador Mar Roxas si dating Senador Juan Ponce Enrile hinggil sa plano nito sa kanya na ipa-barred o huwag ng payagan pa na umupo o tumakbo sa anumang posisyon sa gobyerno.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Roxas, sinabi nito na si Enrile ang dapat na huwag pahintulutan na kumandidato o umupo sa anumang posisyon sa gobyerno dahil sa hindi malinis na record.

Ayon kay Roxas, may kasong plunder o pandarambong si Enrile at nakalabas lang ng kulungan dahil sa pagkukunwari na may sakit at pag-upo sa wheelchair na nakasanayan ng mga pulitiko sa tuwing mahaharap sa kaso.

Matatandaan na idiniin ni Enrile si Roxas na dating kalihim ng Department of Interior and Local Government at Sen Leila De Lima na dating kalihim ng Department of Justice na dapat sisihin sa nangyaring kalituhan sa provisions ng Republic Act 10592. o Good Conduct Time Allowance Law.

Malinaw ayon kay Enrile na unconstitutional, non-existent, at void ab initio ang implementing rules and regulations o IRR ng RA 10592 na nilagdaan nina Roxas at De Lima.