-- Advertisements --

Nanguna pa rin si dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pinakahuling survey ng pagkapangulo ng bansa.

Ayon latest survey ng Social Weather Stations (SWS) nakakuha ang dating senador na 50 percent na sinusundan ni Vice President Leni Robredo na nakakuha ng 19 percent.

Nagtabla naman sa ikatlong puwesto sina Senator Manny Pacquiao at Manila Mayor Isko Moreno na mayroong 11 percent.

Habang nakakuha ng 6 percent si Senator Panfilo Lacson at 0.3 percent naman ang nakuha ni labor leader Leody De Guzman.

Ang ibang mga kandidato sa pagkapangulo ay nakakuha ng wala pang 1 percent.

Kinomisyon ng Stratbase ADR ang survey na isinagawa noong Enero 28-31 o isang linggo bago ang pormal na pangangampanya.

Sa pagka-bise presidente naman ay nanguna si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na mayroong 44 percent na sinundan ni Senate President Vicente Sotto III na mayroong 33 percent habang 10 percent ang nakuha ni Francis “Kiko” Pangilinan.

Nasa pang-apat na puwesto naman si Dr. Willie Ong na mayroong 7 percent habang pang-limang puwesto si Rep. Lito Atienza na nakakuha ng 2 percent.

Ang iba pang mga kandidato sa pagkapangalawang pangulo ay nakakuha ng wala pang isang porsiyento.

Naniniwala naman ang international research organization na Stratbase na siyang nagsagawa ng survey na mababago ang rankings kapag malapit na ang elections.