Pormal nang naghain ng kanyang certificate of candidacy (CoC) sa pagkapangulo si dating Sen. Bongbong Marcos sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas.
Una nito, kahapon nang inanunsiyo niya ang pagkandidato sa pagkapangulo sa 2022 elections.
Kasama rin sa mga naghain ng COC ngayong araw sa Comelec ay sina Sen. Ping Lacson na tumatakbong presidente at ang kanyang ka-tandem na si Senate President Tito Sotto III.
Kasama ni Marcos ang kanyang asawa at mga anak na naghain ng COC.
Nag-krus pa ang landas nina Marcos at Lacson sa loob ng tent sa Sofitel hotel kung saan ginaganap ang COC filing at nag-fist bump ang mga ito bilang bahagi nang pangangamusta nila sa isa’t isa.
Samantala, sa senatorial bets kabilang sa mga matutunog ang pangalan na naghain na rin ng kanilang COC ay sina Sen. Migs Zubiri at dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Mark Villar.
Naghain din ng COC si dating Metro Manila Development Authority (MMDA) Spokesperson Celine Pialago para sa Malasakit Movement party-list.