-- Advertisements --

Nanumpa bilang bagong miyembro ng political party na Aksyon Demokratiko si dating Senator Antonio Trillanes IV nitong Lunes.

Nanumpa si Trillanes kay party chairperson Ernest Ramel Jr.

Present din sa seremoniya ang ibang miyembro ng partido.

Ayon sa chairperson ng partido, malugod nilang tinataggap si dating Senador ‘Sonny’ Trillanes sa Aksyon Demokratiko (Aksyon).

Isa aniya sa mga adhikain ng Aksyon ay ang malinis, mahusay at mabilis na pamamahala sa lokal na pamahalaan na may tunay na pagmamalasakit sa mamamayan.

Sa ngayon, hindi pa kinumpirma ni Trillanes kung anong posisyon ang kanyang tatakbuhan sa 2025 midterm elections, ngunit usap-usapan na target nitong kumandidato sa pagka-alkalde ng Caloocan City.