-- Advertisements --

Kinilala ng mga dati at kasalukuyang senador ang mga naging ambag sa lehislatura at maging sa buong lipunan ni dating Sen. Vic Ziga.

Si Ziga ay pumanaw noong nakaraang linggo sa edad na 75 dahil sa aortic aneurysm.

Matatandaang bago naging senador, nanilbihan din si Ziga bilang governor, assemblyman at cabinet member.

Umupo siya sa Senado mula 1987 hanggang 1992 sa ilalim ng 8th Congress.

Kabilang sa mga nagbigay ng pagkilala kay Ziga ang dati nitong kasamahan sa ikawalong kongreso na si dating Sen. Joey Lina.