Nanguna si dating senator Manny Villar sa 15 Pilipino na kasama sa listahan ng Forbe’s Billionaires 2025 list.
Base sa Forbes na nitong Abril 1, 2025 ay lumago ng $17.2 bilyon ang yaman ng dating senador.
Sa nakalista kasi noong 2024 ay mayroon lamang itong $10.9-bilyon.
Itinturing ngayon na ang 75-anyos na si Villar bilang pinakamayamang tao sa Pilipinas.
Habang nasa pang-117 siya sa pinakamayaman sa buong mundo.
Sinundan siya ni Enrique Razon Jr ang may-ari ng International Container Terminal Services Inc. (ICTSI) na mayroong yaman na $10.9-B net worth at nasa pang-227 sa listahan ng pinakamayamang taon sa buong mundo.
Habang nasa pangatlong listahan si Ramon Ang ang chairman ng San Miguel Corp. na mayroong yaman na $3.7-b net worthat nasa pang-979 na puwesto na pinakamayang tao sa buong mundo.
Pang-apat na puwesto naman ang 90-anyos na si Lucio Tan ang chairman ng LT Group na may net worth na aabot sa $3-B.
Magkakasunod naman sa listahan ang magkapatid na Sy na sina Heny Sy Jr na mayroong yaman na $2.3-B, Hans Sy na mayroong yaman na $2.2-B; Herbert Sy na mayroong yaman na $2.1-B, Harley Sy na mayroong yaman na $1.9-B, Teresita Sy-Coson na mayroong yaman na $1.9-B at Elizabeth Sy na mayroong tinatayang yaman na $1.7-B.
Noong 2024 ay nanguna ang magkakapatid na Sy sa listahan ng Forbes sa pinagsamang yaman nila na $13-B habang pangalawa Razon at pumangatlo naman si Villar.
Nanguna naman si Elon Musk sa pinakamayamang taon sa buong mundo na mayroong $342-B na yaman na sumunod naman sa kaniya si Mark Zuckerberg ng Meta na mayroong yaman na aabot sa $216-B habang pumangatlo si Jeff Bezos ng Amazon na mayroong yaman na aabot sa $215-B.